halos gabi gabi ko na kasing ginagawa ang magpuyat. halos 5am minsan 6am pa ako natutulog tapos nagigising ako ng 10am. Ngayon lang ako mag-b-blog ng ganto. Siguro pag nabasa niyo to sasabihin niyo ang weird ko.
Random Fact : I am such a FREAK OUT BABY
bakit ko nasabi yan? duwag kasi ako. pero hindi sa multo o sa halimaw kung hindi sa reality of life. We all know that life’s unpredictable. walang nakakaalam kung anung possibleng mangyari sa susunod na mga minuto. OK! medyo lumalayo na ako sa point ko. Takot kasi ako. Mas lalo akong natakot nung nalaman kong marami palang nananakawan dito sa lugar namin pag gabi. Natatakot akong matulog kasi baka … alam niyo na. Hindi lang dun, basta marami pang dahilan. Nakakatakot din manood ng news minsan kasi puro patayan na lang yung balita.
Im just really scared, lalo na sa thought of death. alam ko naman pagdadaanan nating lahat yan. pero ako gusto ko yung mamamatay ako at kahit sino pa man sa pamilya ko ng dahil sa katandaan.
Right now, my mom is taking medication. Yes, she’s sick pero hindi niya sinasabi sa amin kung anung sakit niya. kapag tinatanung ko ‘cancer’ lagi niyang sinasabi. ayokong maniwala na iyon yung sakit niya. that’s too much. ngayon may lagnat siya at kailangan niya pang bumyahe sa pampanga dahil may appointment sya sa doctor. I told her not go to pero hindi daw pwede. sabi ko isama niya ako hindi rin siya pumayag. so wala na akong magawa.
sa ngayon, all I care about is my Mom. Im always worried about her. feeling ko kasi kapag nandito lang kami sa bahay boring na boring sya, lungkot na lungkot sya and I don’t want her to feel that way. Alam ko marami ring iniisip si mama. Yung buhay na meron kami ngayon, walang nakakaalam kung hanggang kailan to. Binigay ni Lord si Joerg sa amin para kahit papaano makaahon kami sa sitwasyon namin noon. Actually, marami nang ‘joerg’ ang dumating sa buhay namin noon ang naging ending iniwan lang din kami. And this time ayoko nang mangyari yon. Ayoko na kasing umalis pa si mama. Masaya kaming magkakasama ngayon, ayokong maghiwa-hiwalay na naman kami. Saka isa pa, wala pa kaming sariling bahay, pag nagkataon san kami pupulutin? Hindi naman porket nakakagaan kami ngayon eh dapat ko nang i-label yung sarili ko na mayaman? Hindi kami yung mayaman, si Joerg. Bakit ko ba naisip na pwede niya kaming iwan. Tulad ng sabi ko kanina life is unpredictable. Saka isa pa, komplikadong tao si Joerg, kung tutuusin nga hindi sila compatible ni mama eh. Pero ramdam ko na mahal nila isa’t isa. Kahit halos araw araw nag-aaway sila sa pinakamaliit na bagay na lang. Ano ba yung maliit na bagay ang sinasabi ko. Nag-away na sila dahil sa tissue, sa pagpili ng restaurant na kakainin, sa sapatos ng kapatid ko at marami pang iba. Pero wala naman akong ibang magagawa kung hindi makiusap kay Lord eh, sa kanya ko na lan iniaaasa yung lahat. Naniniwala ko na may maganda siyang plano para sa amin. Alam kong hindi niya kami pababayaan.
Sa June 11 pasukan na naman. Maiiwan na naman lagi mag-isa si mama dito sa bahay, mabobored siya lalo, malulungkot siya. At ayokong maramdaman niya yun. May mga plano naman siyang gawin eh, mag-take ng driving lesson magtayo ng negosyo.Gusto ko rin na sa pasukan half day lang ako. Para may kasama si mama dito sa bahay. Alam ko iniisip niyo para akong timang pero iyon yung gusto ko, gusto ko kasama ko lagi si mama. Nakikita ko siya lagi. Worried lang kasi talaga ako for soooo many reasons.
Natatawa na nga ako ngayon eh, kung iisipin kasi parang wala akong problema kasi wala akong boyfriend may sumusuporta naman sa amin at sa pag-aaral ko. Pero tingnan mo ko, i go beyond those things. ang dami kong iniisip ang dami kong inaalala na halos hindi na ako nakakatulog sa gabi.
Dagdag pa yang lintek na issue ng China na yan tapos yung mga deputa sa Facebook na nagpopost ng kuna anu-ano. Eh paano nga kaya pag ginera tayo ng China? Makakapag-biro pa kaya sila? Nakakatakot diba.
kung tatanungin ng Facebook kung what’s on my mind, SCARED isasagot ko. Takot ako sa buhay, this world is so cruel. Minsan nga hinihiling ko kay Lord na alisin na sa ugali ko to eh. Marami pa kong plano sa buhay ko at ayokong kainin lahat yon ng takot ko.